February 25, 2017

Please reload

Recent Posts

I'm busy working on my blog posts. Watch this space!

Please reload

Featured Posts

Paano Mag-design ng Character

March 12, 2017

 

Heto ang proseso ng pagdesign ko ng character na si Heneral Awtomotonio Luna para sa teks-serye project namin. Heto ang sinulat ni Adam David na pinagbasehan ko ng hitsura ng tauhan:

"Heneral Awtomatonio Luna (technological, 1880s to 2000s) - Steampunk robot Heneral Luna, interchangeable arms and fists, steam vents around back, hair and moustache painted on to brass metal head and face, lots of tubes and dials and levers managing steam pressure (in my head, he looks a bit like Warlock from NEW MUTANTS, mimic that visual busy chaos) ... maybe have him slaughtering hundreds of American soldiers in various ways, all these robotic arms coming out of his body holding guns, torches, bolos, pistols, etc?"

 

 

 

 

 

 

Maraming mga decision-making sa pagdisenyo ng bagong tauhan. Kailangan lahat ay swak sa story at background niya. Pati ang panahon kung kailan siya nabuhay ay kailangang isipin para tugma sana ang costume. At dahil base ang character na ito sa tunay na tao, kailangan ko ring i-research ang hitsura niya at paano siya gagawing robot. Pati ang istilo ng art na gagamitin ay pinag-iisipan din. 

Usually sinisumulan ko sa research. Naghanap ako ng mga imahe ng steampunk robots sa internet. Magandang source ng inspiration din talaga ang mga gawa ng ibang artists. Nag-research din ako ng pictures ni Antonio Luna. May nakita akong larawan niya na luma na sepia ang kulay. Daguerreotype ata ang tawag sa mga ganung photo. Dun ko naisip na ang final output ko sana ay ganun din pero hahaluan ko pa rin ng kaunting kulay. Pagkatapos ng research sinimulan ko na magsketch ng basic shapes tulad ng mapapanood niyo sa video na ito.

Kung gusto niyo samahan ako sa isang buong hapon na session kung saan magdidisenyo tayo ng mga characters at posibleng mag-revamp din ng mga existing characters, sali na po sa workshop ko sa darating na April 8. Sketchy Characters: a character-creation workshop

Signup na po dito: https://www.mervstore.com/…/sketchy-characters-a-character-… o mag-email sa creativeverveph@gmail.com

 

 

 

 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Follow Us
Please reload

Search By Tags
Please reload

Archive
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2023 by ART SCHOOL. Proudly created with Wix.com

Tel: 123-456-7890 | Fax: 123-456-7890

This site was designed with the
.com
website builder. Create your website today.
Start Now